News, Students' reviews, The News Media, tweets

Friday Frontpage Forum

Written by John Angelo C. Labuguen  BA Communication Research

“http://www.gmanetwork.com/news/video/165666/stateofthenation/ina-pinatay-ang-sariling-asawa-at-kambal-na-anak-sa-negros-occidental

 

“Ang balitang ito ay tungkol sa isang ina kung saan ay pinatay niya ang kanyang asawa at kambal na anak sa Negros Occidental dahil di umano sa mental illness na pinalala ng pagbubuntis at panganganak o postpartum psychosis. Sa ulat na ito ay hindi binanggit ang tunay na pagkakakilanlan ng ina na siyang pumatay umano sa kanyang pamilya. Isa itong paraan upang protektahan ang pagkakilanlan ng pamilya ng biktima at siyang dapat tularan ng mga mamamahayag lalo na may mga menor de edad na biktima at ang itinuturing na dahilan ay ang problema sa pag-iisip ng ina. Ito ay makikita sa Journalist’s Code of Ethics ng PPI:

 

“ “I shall presume persons accused of crime of being innocent until proven otherwise. I shall exercise caution in publishing names of minors and women involved in criminal cases so that they may not unjustly lose their standing in society.” (Philippine Press Institute and National Press Club)

 

“Kung mapapansin din sa video ay hindi ipinakita ang mukha ng ina at mga itsura ng mga namatay himbis ito ay tinakpan at pinalabo upang hindi matukoy ng mga ibang manunuod ang kanilang pagkakakilanlan. Hindi rin napansin ang mga dugo dahil nga pinalabo nila ang mga imahe na may mga dugo. Kung ihahambing ang mga videos dati ay hindi tinatakpan o kaya ay nilalabuan ang mga imahe na ng mga taong naliligo sa sariling dugo.

 

“Kung mapapansin din ay hindi lamang sa krimen nagpokus ang ulat kundi nagbigay din ng impormasyon ang tagapag-ulat tungkol sa postpartum psychosis at nag-interview siya ng isang doktor na eksperto sa mga usaping tulad nito. Sa ganitong paraan ay nabigyan ng karagdagang impormasyon ang manunuod tungkol sa pinagdaanan ng ina.

 

“ “I shall scrupulously report and interpret the news, taking care not to suppress essential facts or to distort the truth by omission or improper emphasis. I recognise the duty to air the other side. I shall resort only to fair and honest methods in my effort to obtain news, photographs and/or documents,

 

“Mapapansin din na hindi naging one-sided ang tagapag-ulat sapagkat sinubukan niyang kuhanin ng pahayag ang mga taong humahawak sa kaso tulad ng mga pulis at doktor na sumusuri sa ina pati na rin ang pamilya ng biktima upang nang sa gayon ay walang makaligtaan at maipahayag ang katotohanan sa krimeng naganap.”

 

About these ads
Standard

comments are welcome anytime

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s