Discover more from marichulambino.com

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

16 thoughts on “#NeverAgain #NeverForget #WeRemember Sept 21 martial law commemoration based on the memo of the University of the Philippines President (UP President) : Law on Mass Media participation here

  1. https://drive.google.com/file/d/1a737b_39RPcrmBlQL_dtEVBb-QgqpzJQ/view?usp=sharing

    Ang Saligang Batas ay esensyal na maituturing na mga salita ng taumbayan– kaya noong ipinakandado ni Pangulong Marcos ang Kongreso noong Enero 1973 dito sa litrato, ito’y maliwanag na simbolismo ng pagsupil ng rehimeng Marcos sa malayang pamamahayag. Makikita dito sa litrato sina senador Doy Laurel, Eva Estrada Kalaw, Ramon Mitra, and Jovito Salonga sa harap ng ikinandadong pinto ng Kongreso.

    Upang matiyak na hindi na muli mauulit ang madilim na yugto ng batas militar, maaari tayong magsagawa ng mga hakbang sa pananagutan ng mga opisyal ng ating bansa. Mainam na paigtingin natin ang edukasyon lalo na as kasaysayan ng diktadurya at kahalagahan ng demokrasya dahil ito ay magsisilbing pagpapahalaga sa mga mamamayan ukol sa ating mga karapatan at pati na rin ang mga responsibilidad. Sa kapanahunan ng teknolohiya, mas mabilis nang magpakalat at magpalaganap ng impormasyon, mali man o tama, kaya maiging siguraduhin natin bilang mga mag-aaral ng pamamahayag na magamit natin ang teknolohiya upang mapaigting ang edukasyon ng ating mga mamamayan sa karahasan ng batas militar, pati ang pagsupil ng mga tigapagpalaganap ng maling impormasyon o fake news.

    Like

  2. Image: https://emirvmendoza.files.wordpress.com/2019/10/img_20190820_133954.jpg

    Inilalarawan ng imahe na ito ang utos na ipatigil ang pagtakbo ng mga dyaryo, magasin, radyo, mga pasilidad sa telebisyon, at iba pang serbisyong pang komunikasyon noong pagdeklara ng Batas Militar. Itong utos ay nanggaling kay dating Presidente ng Republika ng Pilipinas, Ferdinand E. Marcos, noong Setyembre 22 ng 1972.

    Kailangan natin bigyang proteksyon ang historya at edukasyon upang matiyak natin na hindi na mauulit ang kasamaang naidulot ng diktadura ni Marcos. Ipapaalam natin ang mga mali na hindi dapat natin muling maranasan. Kakailanganin natin aralin ang ating historya, batas, at edukasyon upang masolusyunan ng maigi ang ating mga kakulangan. Ibahagi sa pamayanan ang pagkakamali ng bansa. Ma-aaksyunan din ito sa pagsali sa mga organisasyon na isinusulong ang ikabubuti ng pamayanan. Halimbawa, ako ay isang estudyante na tagapagtaguyod ng mga karapatang tao at kalayaang pang-akademiko. Ako ay nakiisa at gumamit ng sosyal midya upang ipahayag ang historya ng batas militar.

    Like

  3. Image: https://imgv2-1-f.scribdassets.com/img/document/476633483/original/c8a191faf2/1671366967?v=1

    Noong Setyembre 22, 1972, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pag-angkin ng militar sa mga pangunahing media outlet sa buong bansa upang pigilan ang paggamit nito para sa anti-gobyerno na propaganda. Inaakusahan ang ABS-CBN at ABC ng pakikipagkutsaba sa komunistang grupo. Nangyari ito nang halos 10,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho.

    Upang matiyak na hindi maulit ang madilim na yugto ng diktadurang Marcos, mahalaga ang edukasyon ukol sa kasaysayan ng batas militar at mga paglabag sa karapatang pantao. Ang malayang midya, integridad ng institusyon, at rule of law ay kritikal at dapat itaguyod at proteksyunan. Mahalaga rin ang aktibong pakikiisa ng mamamayan, sa pamamagitan ng pagpapahayag at pagtutol sa mga paglabag sa demokratikong prinsipyo. Sa tiwala sa mga institusyon at pagtutulungan ng sambayanan, maipapahayag ang determinasyon na hindi na muling mangyayari ang diktadura tulad sa panahon ni Marcos. Ang kasalukuyang henerasyon ng mga mamamayan, lalo na ang mga mag-aaral ng pamamahayag, ay may mahalagang parte sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.

    Like

  4. Image: https://drive.google.com/file/d/1kOUx-GH3X0sOJeDaFG5a_LDPeeJx4t0N/view?usp=sharing

    Inilathala noong 1976 ang The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos ni Primitivo Mijares, isang libro na nagpapakita kung paano nabuo ang diktaduryang Marcos. Dahil sa mga nilalaman ng libro ni Mijares, ang dating media chief mismo ni Marcos, ipinagbawalan ng diktador ang pagkakalat at ang pagbabasa nito.

    Upang hindi na maulit ang mga naganap noong diktaduryang Marcos, kinakailangan labanan ang pagpapalaganap ng fake news dahil dito nagsisimula ang mga maling kaalaman ng mga tao tungkol sa mga iba’t ibang mga pangyayari na naganap at nagaganap sa ating bansa. Dito rin nagsisimulang magkaroon ng mga maling pananaw ang mga tao patungo sa mga makapangyarihan na mga tao at nagiging mga bulag na tagasuporta ng mga ito. Bilang isang mag-aaral ng pamamahayag na nais makapagtrabaho sa larangan na ito, tungkulin ko na maging isang tagapamahayag ng katotohanan upang magbigay ng katotohanan lagi at hindi mabaluktot ang kaalaman ng publiko.

    Like

  5. Image: https://krguda.files.wordpress.com/2009/12/martialaw-dsprsl02.jpg?w=576&zoom=2

    Ang larawang ito ay mula sa website ni Kenneth Roland A. Guda (2009). Ipinapakita rito na tila hinihigpitan ang mga taong gusto lamang ipaglaban ang kanilang paniniwala. Maliban sa pagsupil sa kanilang kalayaang mamahayag o right to freedom of speech, pinipigilan din nila ang kalayaang magpulong o right to assembly.

    Kailangang unahin nating ibasura ang mga repormang pang-edukasyon na isinusulong ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Ating aminin na hindi sapat ang pag martsa at paglaban ng kabataang Pilipino upang ipalaganap ang katotohanan. Bilang mag-aaral sa Maskom, dapat pagsamantalahan natin ang makabagong at pausbong na porma ng media; ang short-form video. Gamit ang mga ito, kailangang mailahad natin ang katotohanan sa paraang madaling maintindihan upang makibahagi sa ibang tao sa ating lipunan. Sa sitwasyon ngayon sa Pilipinas, isang pribilehiyo ang pag-aaral sa UP kaya dapat ay kilalanin natin ito at hayaang unawain at pag-aralan ang paraan upang makaugnay natin ang masa.

    Like

  6. Image: https://images.summitmedia-digital.com/newsroom/longform/images/2018/09/11/09112018-prometheus-unbound.jpg

    Ang pinakamalapit sa puso kong manipestasyon ng pagsupil sa pamamahayag ay ang tula ni Jose Lacaba na Prometheus Unbound(1973). Ang unang letra bawat taludtod ay palihim na tekstong “MARCOS-HITLER-DIKTADOR-TUTA”. Nailusot ito sa Focus magasin kilalang layong magpakita ng positibong naratibo ng bansa. Nahuli si Lacaba matapos ang isang taon.

    Higit isang taon na nakakaraan nang ibalik ng mga Pilipino si Marcos sa kapangyarihan at malinaw ang naging kinahinatnan nito sa bansa. Iilan na rito ang pagbabago nila ng naratibo ng kasaysayan at pag manipula sa midya sa layon malinis ang kanilang pangalan kung saan kaakibat rito ang pagbabanta at pagpaslang sa mga mamamahayag lalo sa mga kritikal sa administrasyon. Gayunpaman, ang batas at konstitusyon ay pinagtibay ng panahon bilang sandigan sa anumang anomalya. Ang kabataan ay aktibong nakikibaka at nananawagan sa kolektibong aksyon sigaw ang katagang “Never Again, Never Forget” sa patuloy na laban para at kasama ang bayan.

    Like

  7. Video: https://youtu.be/WU3mqmXuQ18?feature=shared

    Ang bidyo na ito ay naglalaman ng panayam ni Trinidad “Ka Trining” Herrera-Repuno, isa sa 34,000 nakatalang biktma ng torture noong panahon ng Martial Law. Isa siyang kasapi ng organisasyon na Zone One Tondo Organization, isang organisasyon na aktibo sa pagpapahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon sa Batas Militar. Siya ay dinakip ng walang pahintulot at pinaratangan na miyembro ng komunista. Siya ay iginapos at kinuryente ng paulit-ulit. Isa ito sa marami pang kaso ng pang-aabuso at pagsupil sa Freedom of Speech. Makikita rito ang pagkontrol sa mga tao at pagbabanta sa buhay ng mga Pilipino na ipinaglalaban ang kanilang karapatan bilang Pilipino.

    Katulad ng binanggit ni Ka Trining sa kanyang panayam, hindi dapat nating hayaang ibaon na lamang sa limot ang mga madilim na sinapit ng mga biktima noong panahon ng Martial Law. Hindi dapat tayo nagpapabulag sa kasinungalin na ipinapalaganap upang pagtakpan ang katotohanan at ang kasalanan ng pamilya Marcos. Hindi dapat palagpasin ito at dapat na managot sila sa batas at pagbayaran ang kanilang mga ginawa. Sa mahigit ilang libong biktima ng Martial Law, maraming buhay ang nawala at maraming buhay ang nasira. Maraming nasaktan at patuloy na hinahabol ng kanilang madilim na nakaraan hanggang sa kasalukuyan. Ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay hindi magiging posible kung walang nakibaka at lumaban upang mapatalsik ang diktadurang Marcos. Patuloy tayong manindigan sa katotohanan at makibahagi sa ganitong uri ng talakayan upang matulungan ang ibang mga Pilipino na patuloy na pinagkakaitan ng katotohanan. Makiisa tayo sa pagpapahayag ng madilim na sinapit ng mga mamamayang Pilipino sa panahon ng Martial Law.

    -Maki

    Like

  8. https://drive.google.com/file/d/1gZ-wAk4AQa_Y1dpwQoZ-VgPvKrD8VJCp/view?usp=sharing

    Ang suheto ng larawan ay si Primitivo Mijares, ang Chairman ng Media Advisory Council ni Marcos—ang kanyang pangunahing tagapagtaguyod ng propaganda. Bilang ulo ng konsehong ito, ipinagkaloob sa kanya ang kapangyarihang kontrolin at salain ang lahat ng uri ng midya ayon sa ikababango at ikagagalak ng kanyang among diktador.

    Bilang mga mamamayan ng kasalukuyang panahon, ipinagkaloob sa atin ang pribilehiyong numamnam ng isang mas malayang lipunan. At kung sa panahon ni Marcos ay gipit niya sa leeg ang pagkilos ng midya, ngayon, mayroon tayong oportunidad palakasin ang tinig ng mga mensahero ng kasaysayan at katotohanan, at saltikin mula sa langit ang mga tagapagpakalat ng kasinungalingan. Magkaisa tayo at suportahan ang mga mensahero ng katotohanan sa lahat ng uri ng midya, mapa-dyaryo man, radyo, o social media; huwag ipagdamot ang likes, shares, at komento upang mas marami pang tao ang maabot. Sama-sama nating dumugin ang mga tagapagpakalat ng misimpormasyon hangga’t sa mapasara ang kanilang mga pamahayagan. Gamitin ang kalayaan, habang malaya, upang lumaban—hindi pa tayo lahat malaya.

    -amag

    Like

  9. imahe: https://pbs.twimg.com/media/FdVcJK5aEAA7Ad5?format=jpg&name=900×900

    Matapos magprotesta laban kay Imee Marcos sa Sangguniang Kabataan (SK) elections noong 1977, natagpuan patay ang 21-taong-gulang na aktibistang mag-aaral na si Archimedes Trajano. Naniniwala ang lipunan na ang pamahalaan ang may sala sa pagpatay, isang malinaw na paalala sa karahasan ng rehimeng Marcos.

    ITO’Y AKING SAGRADONG TUNGKULIN. Hindi lamang bilang isang mag aaral ng pag-pahayag, ngunit bilang isang Pilipinong may dignidad at pagmamahal sa bansa. Hanagrin ko’y tiyakin na ang malupit at labag-sa-konstitusyon na batas militar na ipinahayag ni Ferdinand Marcos noong 1972 ay hindi na mauulit.

    Marami akong maaaring gawin upang mapanatili ang demokrasya ng ating bansa, lalo na’t ako’y isang estudyante ng isa sa mga pinaka-marangal na Unibersidad ng Bansa.

    Ito lamang ang ilan sa aking mga maaaring gawin:
    -Sumulat ng mga artikulo at editoryal ukol sa kahalagahan ng demokrasya at karapatang pantao.
    -Mag-panayam ng mga eksperto ukol sa demokrasya at karapatang pantao.
    -Mag-organisa ng mga kaganapan at talakayan upang edukahin ang publiko ukol sa mga isyung ito.
    -Gamitin ang social media upang magtaas ng kamalayan ukol sa mahahalagang isyu at itaguyod ang kritikal na pag-iisip.

    Itataguyod ko rin ang mga institusyong demokratiko at susuportahan ang mga organisasyon na nagtatrabaho para sa pagpapalaganap ng demokrasya at karapatang pantao.

    Sa ganitong mga paraan, maaari kong matiyak na ang demokrasya nating mga Pilipino ay hindi na kailan ma’y mahahablot ng kahit sino man.

    -Mr.Fantastic

    Like

  10. Imahe: https://static.rappler.com/images/martiallaw-freedoms-20120921.png

    Ang panahon ng batas militar ay panahong hinding-hindi makakalimutan ng mga Pilipino. Ito ay panahon ng pagdurusa, paghihinagpis, at paghihirap. Maraming Pilipino ang hinuli, kinulong, at pinatay. Makikita sa larawan ang pagdukot at paghuli sa mga mamamayan ng mga sundalo. Kitang-kita rin ang nahihirapang at nasasaktang reaksyon ng mga mamamayan.

    Ang sagot upang hindi na maulit ang madilim na yugtong ito ng ating kasaysayan ay pagbibigay halaga sa ating historya at edukasyon. Kung paniniwalaan at pag-aaralan nang mabuti ng mga mamamayan ang historya ng Pilipinas, mabubuksan at maliliwanagan sila sa totoong nangyari noon. Kung bibigyan ng sapat at tamang edukasyon ang lahat ng mamamayan, maiintindihan at matututuhan nila ang mga totoong nangyari noon. Bilang isang mag-aaral ng pamamahayag, titindig ako sa tamang impormasyon at lalabanan ko ang maling impormasyon. Ibabahagi ko ang katotohanan sa aking kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, at sa lahat ng tao. Ibabahagi ko rin ang katotohanan sa social media.

    Miss Rabbit

    Like

  11. Imahe: https://static.rappler.com/images/martiallaw-freedoms-20120921.png

  12. Image: https://i0.wp.com/bantayogngmgabayani.org/wp-content/uploads/2023/05/linobrocka-3.jpg?resize=1400%2C1159&ssl=1
    Matapos sumali sa rally na inorganisa ng mga drayber ng pampublikong sasakyan, ipiniit sa bilangguan ang batikang direktor ng pelikula na si Lino Brocka (Insiang) kasama ang isa pang direktor at kanyang kaibigang si Behn Cervantes (Sakada). Kinulong sila ng 16 na araw kasama ang iba pang rallyistang nahuli.
    Nang mapatalsik ang rehimeng Marcos at binago muli ang konstitusyon, may mga probisyong itinalaga ng mga framers upang hindi maulit ang pag-abuso nito. Ang tanging rason lamang na maaaring gamitin para makapagdeklara ng Martial Law ay “pananakop at rebelyon.” Iba ito sa dating rason ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na banta pa lamang ng paglaganap ng komunismo sa bansa at ang gawa-gawang “assassination attempt” sa dating Defense Minister Juan Ponce Enrile. Kasama rin sa probisyon ang pagtagal lamang ng 60 na araw ang epekto ng Martial Law na maaaring patagalin pa kung bibigyang permiso ng kongreso at ng Korte Suprema.
    Malaki ang gampanin ng mga representateng nakaluklok sa kongreso sapagkat may kapangyarihan sila upang ipagpatuloy o itigil ang Martial Law sa bansa pag idineklara ito ng pangulo.
    Bilang isang mag-aaral, kabilang kami sa makakaboto kung sino ang magkakaroon ng kapangyarihang ideklara, ipatupad, at ituloy o itigil ang Martial Law. Isa sa mga pinakamalaking kontribusyon na aming magagawa ay gamitin ang aming karapatang bumoto sa mga halalan. At sa pagbotong ito, kailangang kilatisin at pagaralan ang mga kumakandidato upang masiguradong ang mga mapipili’y maganda ang kredensyal, makamasa, at mahusay sa pamamahala. Kapag ang mga kasalukuyang nasa puwesto ay taliwas sa mga kalidad na nabanggit, maaaring gamitin ang karapatang magorganisa ng pagkilos upang panagutin ang mga politikong binabalewala ang kabutihan ng masa para sa pansariling interes.
    Isa ring paraan ng pakikisangkot sa banta ng pag-aabuso sa probisyon ng Martial Law ay ang pagalala rito at pagprotekta sa katotohanang pilit na binabluktot ng pamilyang nagpasimuno nito at kasalukuyang nagbabalik sa kapangyarihan. Ito’y sa pamamagitan ng patuloy na pagaaral sa kasaysayan, pagtatama ng mga mitong niluwal ng propaganda ng diktadurya, at pagpapalaganap ng mga tunay na kwento ng Martial Law gamit ang iba’t ibang klase ng media.
    -Noirman

    Like

  13. Imahe: https://static.rappler.com/images/martiallaw-freedoms-20120921.png

    Ang panahon ng batas militar ay panahong hinding-hindi makakalimutan ng mga Pilipino. Ito ay panahon ng pagdurusa, paghihinagpis, at paghihirap. Maraming Pilipino ang hinuli, kinulong, at pinatay. Makikita sa larawan ang pagdukot at paghuli sa mga mamamayan ng mga sundalo. Kitang-kita rin ang nahihirapang at nasasaktang reaksyon ng mga mamamayan.

    Ang sagot upang hindi na maulit ang madilim na yugtong ito ng ating kasaysayan ay pagbibigay halaga sa ating historya at edukasyon. Kung paniniwalaan at pag-aaralan nang mabuti ng mga mamamayan ang historya ng Pilipinas, mabubuksan at maliliwanagan sila sa totoong nangyari noon. Kung bibigyan ng sapat at tamang edukasyon ang lahat ng mamamayan, maiintindihan at matututuhan nila ang mga totoong nangyari noon. Bilang isang mag-aaral ng pamamahayag, titindig ako sa tamang impormasyon at lalabanan ko ang maling impormasyon. Ibabahagi ko ang katotohanan sa aking kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, at sa lahat ng tao. Ibabahagi ko rin ang katotohanan sa social media.

    Miss Rabbit

    Like

  14. Image: https://static.rappler.com/images/martiallaw-freedoms-20120921.png

  15. Imahe: https://static.rappler.com/images/martiallaw-freedoms-20120921.png

    Ang panahon ng batas militar ay panahong hinding-hindi makakalimutan ng mga Pilipino. Ito ay panahon ng pagdurusa, paghihinagpis, at paghihirap. Maraming Pilipino ang hinuli, kinulong, at pinatay. Makikita sa larawan ang pagdukot at paghuli sa mga mamamayan ng mga sundalo. Kitang-kita rin ang nahihirapang at nasasaktang reaksyon ng mga mamamayan.

    Ang sagot upang hindi na maulit ang madilim na yugtong ito ng ating kasaysayan ay pagbibigay halaga sa ating historya at edukasyon. Kung paniniwalaan at pag-aaralan nang mabuti ng mga mamamayan ang historya ng Pilipinas, mabubuksan at maliliwanagan sila sa totoong nangyari noon. Kung bibigyan ng sapat at tamang edukasyon ang lahat ng mamamayan, maiintindihan at matututuhan nila ang mga totoong nangyari noon. Bilang isang mag-aaral ng pamamahayag, titindig ako sa tamang impormasyon at lalabanan ko ang maling impormasyon. Ibabahagi ko ang katotohanan sa aking pamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, at sa lahat ng tao. Ibabahagi ko rin ang katotohanan sa social media.

    Miss Rabbit

    Like

If the comment posted does not appear here, that's because COMMENTS WITH SEVERAL HYPERLINKS ARE DETAINED BY AKISMET AT THE SPAM FOLDER.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.