Kinuha ko po itong hourly weather forecast (kada oras na pagtataya ng panahon) para sa Lungsod Quezon (Quezon City) dahil magmamartsa ang mga kapatid nating Lumad, Moro, Igorot, Aeta, Mangyan, Agta (na nanggaling pa sa Mindanao at iba’t ibang pulo ng bansa) mula Mendiola hanggang UP Diliman:
Ngayong araw Miyerkules, Oktubre 12, 2016, mula ngayon hanggang 5:59 ng hapon ay maulap ngunit sa alas-sais ng hapon/gabi ay bubuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog sa Quezon City. (sana ay mali ito).
Ayon sa Accuweather hourly forecast o kada oras na pagtataya ng panahon:
6pm (alas-sais ng hapon/gabi): Malakas na ulan na may kasamang pagkulog, hanggang 7pm (screenshots below of Accuweather graphics for hourly weather in Quezon City, Metro Manila)
Sa 8pm (alas-otso ng gabi): Malakas na ulan na may kasamang pagkulog. 
(Sana ay mali ako, sana hindi accurate ang accuweather). Ngunit para sa ating mga kaibigang Lumad, Moro, Igorot, Aeta, Mangyan at Agta na napilitang humarap sa mga bala ng baril para ipagtanggol ang kanilang mga tahanan, ang sabi siguro nila ay: “Ba’t daw sya worried?”
Discover more from marichulambino.com
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
Reblogged this on chattel (i reside in marichu's lateral thinking; i'm her ghostwriter & photographer).
LikeLike