8 thoughts on “M230 Anecdotal Data 3rd Issue : Freedom and Franchise Feb. 28 (Deadline March 5 at 11:59pm)

  1. On February 28, another protest was held in front of ABS-CBN, in favor of the renewal of its franchise. Several people from different groups gathered to fight for the freedom of the press. Below are the sentiments of three people who were asked why they joined the protest:

    Leah, 31
    Organization: Rise up for Life and for Rights
    “Ito ay bahagi ng aming organisasyon na yung mga pamilya ng mga biktima ng War on Drugs ay ibinabalita, at bahagi ang ABS-CBN sa pagbabalita na iyon. Kung mababawasan yung mga nagbabalita para sa katotohanan sa mga nangyayari sa bansa natin, paano pa iyong boses ng mga maliliit na pangkaraniwang mamamayan?”
    Roman
    Organization: Sentro
    “Kami ay nakikiisa sa mga manggagawa sa ABS-CBN. Nalulungkot kami dahil si Pangulong Duterte ay tinututulan iyong pagbubukas ng ABS-CBN. Ito ay usapin ng press freedom. Dapat hindi ito mawala. Kung saka-sakali, ang sinasabi ng pangulo na may problema yung mga manggagawa, dapat Department of Labor ang mag-aasikaso nito, hindi yung pagsasara ng ABS-CBN.”
    Carlo Dionisio, 23 years in ABS-CBN
    Organization: ABS-CBN Integrated News and Current Affairs
    “Andirito kami, hindi lang upang ipaglaban yung pamilya namin, kundi ipaglaban yung kumpanya na marenew yung prankista namin para sa pamilya namin. Mahigit dalawang dekada na ako sa ABS-CBN. Pangalawang pamilya ko na ito. Mahal na mahal namin yung company. Mawawalan kami ng bread and butter, iyong bumubuhay sa amin. Yun yung dahilan kung bakit kami lumalaban, tsaka yung press freedom. Papaano pa kami na malaking broadcasting company na kayang sakalin? Magiging domino effect na iyan sa maliliit na media organization. Kailangan ng press freedom.”

  2. Last Friday (Feb 28) a protest, organized by various groups was held at Sgt. Esguerra Ave in Quezon City to call on support to stand up and defend press freedom amid the pending case of ABS-CBN on its franchise renewal.

    I asked three people who are present in the rally:
    • Bakit po kayo nandito?
    • Sa tingin po ninyo may ginagawang pagsupil ngayon sa malayang pamamahayag?
    • Ano po ang masasabi ninyo kaugnay sa isyu ng ABS-CBN franchise?

    And here are their responses:

    “Andito ako para ipaglaban ang peace, ang demokrasya para sa malayang pamamahayag.
    Mayroong pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag ngayon, wala pong ginagawa ang gobyerno, sinusupil nila ang kalayaan natin sa pamamahayag sa nangyayari ngayon na hindi pagbigay ng prangkisa ng ABS-CBN, ng isang network, parang tinatanggalan na rin nila tayo ng karapatan na ipahayag natin ang ating mga saloobin.
    Kailangan na mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN dahil sa pangangailangan ng workers sa loob na mawawalan ng trabaho, maraming mawawalan ng trabahao.”–Delia, 51

    “Kaya po kami nandito kasi nakikiisa kami sa mga manggagawa ng ABS-CBN, kapag natanggal sila kawawa ang mga pamilya nila kaya sumusuporta talaga kami.
    Yung pagsupil sa karapatan ng pamamahayag karamihan pinapatay dahil gusto ng nakaupo ngayon na lahat ng gusto niya ay masunod.
    Dapat mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil maraming manggagawa ang naka-depende dito.” –Merlina, 53 (Bayan Muna)

    “Nakiki-usyoso lang ako, gusto ko lang silang makita.
    Prangkisa ata ang ipinaglalaban nila. Siguro kailangang bigyan (ng prangkisa ang ABS-CBN) para sa paghahatid ng balita.” –Raul, 45

  3. Last February 28, another protest was held in front of ABS-CBN building in order to voice out their stand regarding the ongoing issue about the network’s franchise renewal. This event was attended by people from various groups and organizations as well as simple residents in the area who supported the network in their fight against the ABS-CBN shutdown.

    Below are the responses of the three people I interviewed on why they joined the said protest.

    MILES
    Student, Kabataan Partylist

    “Bilang kabataan, partikular sa mga kabataang estudyante, hindi lamang dapat nakukupot ‘yong mga aralin natin sa loob ng silid-aralan. Hindi lamang tayo tumatalakay ng kung anumang akademikong aralin bagkus ay dapat lumabas tayo sa loob ng ating mga silid-aralan at alamin, suriin kung anong kalagayan mismo ng ating lipunan. Dahil hindi naman magkaiba ang laban ng mga kabataan sa laban ng mga manggagawa, sa laban ng kababaihan, sa sektor ng magsasaka at sa buong sambayanang pilipino. Maraming mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho…kung saan sa ganitong klase ng lipunan mahirap maghanap ng hanapbuhay at kung tutuusin ay pagtapak ito sa karapatan ng mga mamamahayag sa karapatan nila para makapagpahayag.”

    MARIE GARCIA
    Housewife

    “Nakikisimpatya sa mga maraming mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN, sa 11,000 na manggagawa. Syempre kami rin po maaapektuhan po kami bilang manonood din po at bilang tagasubaybay ng ABS-CBN at pakikinig din sa mga balita na binabalita po nila para naka update din kami. Kaya po kami nagrarally para mabigyan sila ng chance, para maibalik ang kanilang prangkisa. Kung tatanggalan sila ng prangkisa ano na pong maibibigay nila sa amin na balita saka palabas?”

    KIT
    Political activist
    “Para suportahan ‘yong mga workers sa loob ng ABS-CBN dahil nga napipinto ‘yong pagshutdown nitong ABS-CBN. Syempre nandito kami para suportahan din hindi lang ‘yong mga manggagawa natin kundi para ‘yong freedom natin o ‘yong pakikipaglaban natin sa freedom of expression, freedom of the press, dahil parang nauulit na naman ang kasaysayan. Kung natatandaan nyo noong panahon ng martial law ganito sinisikil ‘yong kalayaan para sa pagpapahayag. Kailangan magpalakas, magsama-sama para maipanawagan din ‘yong ganong klaseng issue…. ‘yong tuluy-tuloy pa rin na serbisyo ng ABS-CBN.”

  4. Last February 28, 2019, there are several groups that gathered in front of the ABS-CBN building at Sgt. Esguerra to express their support to the network’s fight for the renewal of its franchise.

    And we are assigned to conduct an informal interview to random individuals who attended the said protest. I asked the three following questions:

    Bakit po kayo naririto?
    Ano po ang inyong masasabi sa press freedom ng ating bansa sa ngayon?
    Ano naman po ang inyong masasabi sa gobyerno sa kanilang ginagawa tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at press freedom?

    “(1) Hindi lang naman po ito tungkol o para sa ABS-CBN kundi ito ay laban ng mga 11,000 na mangggagawa na kung sakali ay hindi maipasa o ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. Kasi ang stand po ng mga sector na nandito po ngayon * (insert the name of their sector) ay nakikiisa kami sa laban ng mga mangagawa ng ABS-CBN. Kasi kawawa yung 11,000 kung sakali magsara ang ABS-CBN. (2) ‘uhm syempre yung kalayaan sa pagpapahayag, dapat lang talaga magkaroon ng boses ang mamamayan. Kahit na ABS-CBN, kahit na mga manggagawa o lahat ng nandito ngayon ay naka-support kami sa kalayaan sa pamamahayag. Dapat lahat ng manggagawa at lahat ng tao sa kalayaan sa pamamahayag dahil ito ay karapatan. (3) Ang atake ng gobyerno, ‘uhm lahat ng mga lumalaban, lahat ng mga kritiko sa kanya ay, ang gobyerno ni Duterte ay hindi siya nakakatulong sa mamamayan bagkus ay siya rin naman ang dahilan kung bakit patuloy at dumadami ang lumalaban sa administrasyon ni Duterte.” Letty (not her real name) said.

    She pointed out that the government is oppressing the free press in our country and as part of the Filipino nation, we should stand together against oppressors. In line with this, this is a brave move from a woman like Letty and she is not just concerned about the franchise of the ABS-CBN but she is concerned to the 11,000 employees of the network who are about to lose their jobs.

    “(1)Gusto ko pong suportahan and tumindig po for press freedom and as well po yung renewal ng franchise ng ABS. (2) Para po sa akin importante po ang press freedom kasi, yung press po o yung media ay is apo yun na paraan para mapalaganap po ang impormasyon sa taong bayan. Kasi po kapag alam po nila ang nangyayari, mas alam po nila ang gagawin. (3) Ang state po ng press freedom po natin ngayon ay natatapakan po ng adminstrasyong Duterte and parang ano po katulad nung nangyari noon, dati nung martial law. This is a start na, nauulit na siya.” Shan (not her real name) stated.

    Shan saw on ABS-CBN’s franchise is like a start of the repeated history during martial law was declared and oppressed the free press of our country. She is standing together with ABS-CBN to show her support and care not just for the free press but she is also concern to country’s freedom.

    “(1) Ipagtatanggol po natin ang mga manggagawa ng ABS-CBN. (2) Magulo ang mula noong umupo si Duterte. (3) Parang hindi ko gusto. Kung kailan niya sinabi niya na uupo siya sa ating bansa bilang pangulo ay aayusin niya ay parang lalong gumulo.” Dayday (not her real name) said.

    Just like the first two interviewees, Dayday pointed out that Duterte’s administration did not brought any good for the country but rather they ruined the nation because of their decisions and political issues.

    All of their names are just alias to hide their identity and also for the safety of the interviewees.

  5. At the rally in front of ABS-CBN last February 28, our class engaged with several of the people rallying and we asked them why they were participating at the rally and carrying banners and flags.

    I conducted an informal interview with three participants.

    Danny
    1) a member of Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detention at Aresto
    2) the group are former detainees during Martial Law who were detained and tortured
    3) “Nandito kami pangunahin para suportahan at ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa ng ABS-CBN”

    A lady who did not want to give her name
    Bakit po kayo nandito?
    1) “Sumusuporta kami doen sa mga pinaglalaban ng mga manggagawa ng ABS-CBN kasi halos nasa 11,000 ang mawawalan ng trabaho.”

    Dito po ho kayo nagtatrabaho?
    2) “Ay hindi po. Pumunta lang po kami dito. Kasi yung laban ng mga mangagawa ng ABS-CBN ay hindi lamang kanilang laban pero laban ng lahat ng manggagawa sa buong Pilipinas.”

    Ano po yung trabaho niyo?
    3) “Nasa bahay lang po ako.”

    Carlo
    member of Bayan Muna
    1) “Gusto ho namin suportahan ang Channel 2 para yung mga trabahador nila hindi na kailangan maghanap ng iba pang trabaho. Kasi walang kwenta talaga. Parang iba iba ang isig nila [about the franchise renewal]. Ibibigay na talaga nila yung kwan ng Channel two tapos binawi. Eh sinabi naman ng anak niya [the President], si Sara, sabi niya i-sa-sign na. Pumayag na yung mga Senado. Ewan ko.”

  6. Last February 28, we ventured out to the ABS-CBN compound where there was a rally by different concerned organizations and citizens regarding the threatened impending closure of one of the biggest media entities in the Philippines. I asked some of the participants through unstructured interview regarding their reasons with joining:

    Alan

    “Sumosuporta kami sa mga manggagawa – na dapat hindi isarado yung ABS CBN. Kasi ang sinasabi ng Pangulong Duterte ay isarado ang abs cbn, dahil sa mga problema – sabi niya na hindi raw inere yung kanyang pangagampanya nung [2016], tapos pagkatapos nito, katapusan ng marso, katapusan na ng ABS-CBN. So dapat, hindi isarado ito, Kasi 11’000 manggagawa ang mawawalang ng trabaho pag sinara ang ABS CBN. So narito kami upang suportahan yung mga manggawa ng ABS-CBN”

    “Usapin ito ng press freedom eh, so malaking ipekto ito sa gobyerno ni Duterte, na di na masasagot [at] masasabi ang mga kamalian niya sa gobyerno. So, kungsakasakali, [na] may problema ang ABS CBN sa mga manggagawa, dapat hindi ito ipasara, dapat Department of Labour ang magreresolba ng problemang ito”

    Carol

    “Sa school po naglalauch [rin] ng programa. Saka bukod po dito, sa school po namin, nakakaranas rin naman ng repression yung mga publications, kaya kahit yung mga estudyante, mga scholar ng bayan, nakakarelate sila sa sinapit ng mga mangagawa at ng mga mamahayag sa ABS-CBN.

    At dagdag pa doon siyempre, di lang siya basta prankisa ang usapin eh, usapin rin siya ng trabaho ng mga mangagawa at ng mga nagtratrabaho sa ABS-CBN.

    Ang purpose po ng pagrarally ay nagbibigay siya ng pressure sa ruling class na pansinin – bigyang pansing yung mga mamamyan. Yung pagsusulat ay isa lang siyang way, para ipakita ang paglaban pero ang pag sama sa pagkilos ay isa siyang masmataas na way upang ipakita yung dissent sa mga ginagwa at sa mga policies.”

    Emil

    “Well, as an organization [NUJP] is a lateral guild, it works for the rights and welfare of media workers, help ensure the safety of journalists in the conduct of work, and defend press freedom, especially when ever it is under attack by powerful interests in philippine society

    NUJP ang nagstart nitong campaign na ito for the renewal of the ABS CBN franchise. It’s not because we are defending the owners of the company, it is because it is our belief that media outfits such as ABS-CBN – ang services nila is imbued with public interest. Any media institution that’s being closed down, especially through harassment, threats or persecution, is a direct attack to press freedom. And dahil nga NUJP kami, pinagtatangol rin namin itong hanap buhay ng exactly 11’071 workers, directly deriving their livelihood from the company at saka yung iba pang mga contractors and service providers.

    We started this when Manila Times reported that the Office of the Solicitor General was planning to file a quo warranto before the supreme court, questioning the franchise of the company; as well as the repeated public pronouncements by Pres. Duterte himself that they will block the renewal of ABS-CBN franchise. So coming as they were sa mga banta na ito, inumpisahan ng NUJP ang campaign na ito, and then this is our 7th consecutive Friday and then, 12th activity kaugnay nito. And then tonight, the regional stations group of ABS-CBN in Zambuanga, Cagayan de Oro, General Santos, Dagupan, Baguio city , Iloilo and Bacolod and NUJP are conducting similar activities, hindi siguro mini concert ng katulod sa ngayon; and then NUJP chapters in Sorsogon and Batangas are also conducting activities, para i-push [at] gawin na ng congresso ang kanyang responsibilidad, kasi ang bill, 11 na yan sa House of Representatives, and there are 2 in the Senate, all of which should have been acted upon within 30 days after filing, iniipit ng congress, eh, at inamin nila may pressure na galing sa malanyang.”

  7. Interviews for Feb 28 ABS-CBN Franchise Renewal demonstration (video can be viewed here: https://www.youtube.com/watch?v=Pzk9f1_y8BI)

    Question: Bakit ka nandito sa rally na ito?

    “Nandito kami para ipaglaban ang aming freedom [sic]. Ito ang bumubuhay sa amin. Sa pamilya, sa anak, yun lang. 14 years almost 15 years akong nagtrabaho dito bilang cameraman.” – Anthony, cameraman

    “Para po suportahanan ang mga manggagawa ng ABS-CBN dahil ishshutdown daw po at marami ang mawawalan ng trabaho.” – Janelle, Socialista party

    “Pinaglalaban namin ang aming karapatan bilang mga mamahayag, lalo na ang franchise ng ABS-CBN, at tsaka iyung press freedom. Mga 25 years din ako nagtrabaho sa ABS-CBN” – Nathan, dating cameraman

    “Nandito ako para suportahan ang mga manggagawa ng ABS-CBN na (maaring) mawalan ng trabaho” – Ramon

  8. Feb 27, 2020, Quezon City – Several movement groups showed support to the renewal of ABS-CBN franchise in front of the ABS-CBN main building. Kilusan Mayo Uno, Kabataan Partylist among others had rallied forth before the ABS-CBN employees and united to call for the senate to take action on the case, and remedy the challenges faced by the broadcast organization.

    History repeats itself

    According to one rallyist, history repeats itself as Marcos and Duterte have similar issues in extra-judicial killings and media shutdowns.

    “Na-ipasara na ito ng 1972 at nagbukas ulit ito nang 1986, hindi tayo papayag na magsasara ulit ang ABS-CBN, sapagkat ito ay karapatan ng mamahayag sa lahat ng papanoorin, di lang dito sa Pinas kundi sa ibang bansa. Kapakanan ng mga nagtatrabaho sa ABS-CBN, kapag nawala yan paano ang pamilya nila. Sa akin lang po kailangan kumilos wag na lang silang walang paki-alam, dahil pansinin ang prangkisa ng ABS-CBN dahil dito nakasalalay ang labing isang libo na mangagawa dito” said a rallyist.

    “Obligasyon namin itong gawin ito, dahil nangaling ako sa pagiging labor organizer sa panahon ni Marcos, talagang hinuli kami ng Duterte administration ngayon, hinuhuli, mga human rights advocates kinakasuhan tinatakot ang mga taong bayan, kahit yung mga nasa mass media, alam nyo ba na yung panahon ni Marcos isinara na ang ABS-CBN, kinontrol niya ang media, at ang ibinuhay niya ay ang kanyang sariling mass media nilabag ni Marcos noon ang karapatan sa pamamahayag.” said another rallyist

    In full circles and colors of ABS-CBN

    One of the rallyist laid the issues on labor and press freedom on the line. “Marami ang pwede na maging mawalan ng trabaho just in case mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, maging hindi kami empleyado ng ABS-CBN, ang tingin namin na pagbabanta ng gobyerno atake din ito sa kalayaan sa pamamahayag. At unang-una sa mahabang panahon kasa-kasama ng organisasyon ng mga mamayan na nagdadala ng mga issues sa pagcocover, therefore na-ihahatid namin sa gobyerno ang isyu na hinihingi namin, halimbawa yung usapin ng mababa ang sahod, yung usapin ng contractualization, yung issue yung pagtaas ng mga bilihin at mga public services.”

    From the three respondents, the livelihood of 11,000 employees, and press freedom will be at stake with the issues surrounding the Petition Quo Warranto against ABS-CBN and its pending franchise approval.

    View link for videos: https://www.dropbox.com/sh/kqtj7zbv8sr47xm/AAAGGnuNAPgQJL0rb0lOUbB5a?dl=0
    -Pat J.

If the comment posted does not appear here, that's because COMMENTS WITH SEVERAL HYPERLINKS ARE DETAINED BY AKISMET AT THE SPAM FOLDER.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.