Lahat ng larangan puntahan, kung ano ang kayang gawin, mahusay na tuparin

if on mobile, tap “Listen in browser”

Lahat ng larangan puntahan,

kung ano ang kayang gawin,

mahusay na tuparin.

Basta hwag maging barubal o magaspang

Kung kaya kumanta sa halip makipagsigawan

Mas kagigiliwan

(kung mawala man sa tono — tumawa lang, keri yan)

Kung ano ang kayang ibigay,

ibigay nang buong tapang

Lahat ng larangan ay valid basta walang kasinungalingan

at gumagalang sa mga karapatan

kung anong larangan ang kayang puntahan,

gorabels, lezzgo,

lahat tayo yan!