if on mobile, tap “Listen in browser”
Lahat ng larangan puntahan,
kung ano ang kayang gawin,
mahusay na tuparin.
Basta hwag maging barubal o magaspang
Kung kaya kumanta sa halip makipagsigawan
Mas kagigiliwan
(kung mawala man sa tono — tumawa lang, keri yan)
Kung ano ang kayang ibigay,
ibigay nang buong tapang
Lahat ng larangan ay valid basta walang kasinungalingan
at gumagalang sa mga karapatan
kung anong larangan ang kayang puntahan,
gorabels, lezzgo,
lahat tayo yan!