Class members’ insights appear in the comments section (and can also be viewed by clicking the commenter’s window in the widget in the sidebar to your right) -> Samples:
Darcy Jose says:
21 Feb 2023 at 2:41 pm
Larawan: https://www.ninoyaquino.ph/images/img_ninoy-martial-law-imprisonment.jpg
“Makikita rito si Ninoy Aquino na nahihirapang maglakad dahil sa kanyang 40-day hunger strike. Ginagawa niya ito upang ipaglaban ang hustisya ukol sa kanyang pagkakulong. Sinasabuhay niya ang kanyang karapatan sa pamamahayag. Mararamdaman sa larawang ito ang giit na kailangan pagdaanan ng mamamayan para lamang ipahayag ang kanilang nais ipaglaban.
“Sa aking palagay, ang pinaka-mainpluwensiyang dahilan ng pagluklok sa kapangyarihan ng pamilyang Marcos ay ang malawakang paglimot ng kasaysayan. Dahil karamihan sa mga bumoto noong eleksyon ay hindi pa ipinapanganak noong namumuno si Ferdinand Marcos, madaling naipalaganap ng pamilyang marcos ang disimpormasyon sa bansa upang makabalik sa puwesto. Ang kakulangan sa tamang edukasyon, at madaliang paniniwala ng mamamayan sa maling impormasyon ay iilan lamang sa mga salik na nagdulot ng malawakang paglimot.
Bilang mag-aaral ng pamamahayag, tungkulin kong isabuhay ang kasaysayan ng bansa. Isisiguro ko na sa aking mga likhang sining, maipapahayag ko ang katotohanan upang labanan ang malakawang paglimot.”
Crossroads says:
21 Feb 2023 at 3:38 pm
Larawan: https://tinyurl.com/mw9mcuf6
“Ang pinili ko pong larawan ay galing nagpapakita po ng isang protesta ng mga estudyante sa mga aksyon ng administrasyong Marcos, na may relasyon sa US imperyalismo. Pinapakita ng larawan ang kanilang kalayaan sa pamamayahag at kalayaan sa pagtitipon; at ang pagdodokumento nitong protesta ay nagpapakita ng kalayaan ng pahayagan.
“Sa aking palagay, nanumbalik sa kapangyarihan ang mga Marcos dahil sa kanilang struktura ng pagpapalaganap ng propaganda sa in-person na paraan, tradisyunal na media, at sa social media upang ipalaganap ang mga maling ideya na naging “Golden Era” ang panahon ng Martial Law at sinimulan ding ituro ang maling bersyon ng kasaysayan ng mga guro at mananaysay sa paaaralan. Ito’y malaking dahilan kung ba’t nanalo si BBM sa nagdaang eleksyon. Bilang mag-aaral ng mamamahayag, tungkulin kong i-”fact check” ang maling impormasyon tungkol dito at ipaglaban ang karapatan sa malayang pagpapahayag sa pagsasali sa mga diskusyon at “rally” tungkol dito.”
Tito Mike says:
Larawan: https://sinoangpilipino.weebly.com/uploads/1/7/7/8/17784145/5955092.jpg
“Makikita sa larawang ito ang pagtitipon ng taong bayan upang ipakita ang kanilang pagtuligsa sa ipinaiiral na BATAS MILITAR ng dating president na si Ferdinand Marcos. Tahasang ipinapakita ng taong bayan ang kanilang saloobin sa hindi makatarungang pagsasantabi o pagwawalang bahala sa hustisya at karapatang pantao. Kolektibong nagsama-sama ang taong bayan sa lansangan upang maipahayag ang kanilang saloobin at isigaw a ng kanilang samu’t saring mga hinaing.
“Sa aking palagay, sa panahon ngayon, isa sa mga maaring dahilan kung bakit naluklok muli sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos ay sa kadahilanang hindi na masyadong napaguusapan ang importansya ng EDSA People Power Revolution. Hindi na buhay sa puso’t isipan ng taong bayan kung bakit hindi nararapat makabalik ang pamilyang Marcos sa palasyo. Marahil marami na ang nakalimot sa mga masasamang nagawa ng nasabing pamilya sa bansa. Mayroon ding mga mamamayan na nagsasabi na Golden era ang panahon ng pamumuno ni Marcos kaya naman maraming tao ang nagnanais na maranasan ito. Karagdagan pa rito ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang mabago ang kaisipan ng taong bayan. Bilang isang magaaral ng mamahayag, tungkulin ko ang tumindig para sa kalayaan ng pamamahayag, maghatid ng makatotohanang balita at hindi pawang gawa-gawa lamang, at walang pinapanigan.”
Phoenix says:
21 Feb 2023 at 4:58 pm
Video: https://www.youtube.com/watch?v=ZQmL–_eZOU
“Inilahad ng video ang pagtatag ng WE Forum, isang kritikal na publikasyon na naging parte ng “mosquito press” noong Batas Militar. Ibinunyag ng publikasyon ang kasinungalingan at katiwalian ng diktadurang Marcos sa kabila ng matinding panunupil ng administrasyon sa kalayaan ng mga mamamahayag. Kabilang dito ang kanilang pag-ulat tungkol sa pekeng medalya ni Marcos Sr.
:Ang masang Pilipino ay nilinlang ng pamilyang Marcos sa pamamagitan ng historical distortion dulot ng lumalaganap na propaganda at fake news sa social media. Bukod dito, kapansin-pansin ang kultura ng impunidad, paninira, at panunupil sa mga peryodista tulad nila Maria Ressa, Percy Lapid, at ABS-CBN na nagbigay-daan sa pagkontrol ng mga Marcos sa daloy ng impormasyon ukol sa kanilang mga krimen. Bilang isang mag-aaral ng mamamahayag, tungkulin kong tutulan ang mga atakeng ito. Una, kailangang suriin ang posibleng paraan sa paglaban ng disinformation lalo na sa mga digital na plataporma. Pangalawa ay ang kolektibong pag-organisa at pagkilos para sa kalayaan ng mamahayag. Maaaring makilahok sa aktibidad ng mga unyon tulad ng NUJP na sumisiyasat sa kalagayan ng mga Pilipinong mamamahayag.”
Law on Mass Media and Communication. Batas ukol sa Pangmadlang Media at Komunikasyon. #NeverForget #SaligangBatas. Kasaysayang Pinagmulan (Background/ Origin) ng Saligang Batas ng 1987 .
Bilang kasaysayang pinagmulan ng Saligang Batas ng 1987 na umusbong mula sa pag-aalsa ng mamamayan sa buong kapuluan at pagtitipon sa EDSA na nagpatalsik sa diktadurang Marcos:
1.Pumili ng video o larawan ng totoong pangyayari mula 1972-1986 na nagsasalarawan sa paggiit ng mga mamamayan at ng taumbayan sa gitna ng panunupil sa karapatan sa kalayaan sa pamamahayag (right to freedom of speech and freedom of expression), kalayaan sa pagtitipon (right to freedom of assembly), at kalayaan ng mga pahayagan (right to freedom of the press);
2.sa wikang Filipino, 50 salita, isalarawan ang napiling video o photo, at 3.Sa 100 salita, sagutin ang tanong:
Ngayong 2022, bakit, sa iyong palagay, naluklok sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos sa konteksto ng nabanggit na kasaysayan sa unang talata? (Basahin nang mabuti ang tanong, ang tanong ay “Bakit” at hindi “Paano”.)
Ano ang tungkulin ng mga mag-aaral ng mamamahayag tulad mo, ukol sa kalayaan sa pamamahayag, at paano ito gagampanan?
Larawan: https://www.ninoyaquino.ph/images/img_ninoy-martial-law-imprisonment.jpg
Makikita rito si Ninoy Aquino na nahihirapang maglakad dahil sa kanyang 40-day hunger strike. Ginagawa niya ito upang ipaglaban ang hustisya ukol sa kanyang pagkakulong. Sinasabuhay niya ang kanyang karapatan sa pamamahayag. Mararamdaman sa larawang ito ang giit na kailangan pagdaanan ng mamamayan para lamang ipahayag ang kanilang nais ipaglaban.
Sa aking palagay, ang pinaka-mainpluwensiyang dahilan ng pagluklok sa kapangyarihan ng pamilyang Marcos ay ang malawakang paglimot ng kasaysayan. Dahil karamihan sa mga bumoto noong eleksyon ay hindi pa ipinapanganak noong namumuno si Ferdinand Marcos, madaling naipalaganap ng pamilyang marcos ang disimpormasyon sa bansa upang makabalik sa puwesto. Ang kakulangan sa tamang edukasyon, at madaliang paniniwala ng mamamayan sa maling impormasyon ay iilan lamang sa mga salik na nagdulot ng malawakang paglimot.
Bilang mag-aaral ng pamamahayag, tungkulin kong isabuhay ang kasaysayan ng bansa. Isisiguro ko na sa aking mga likhang sining, maipapahayag ko ang katotohanan upang labanan ang malakawang paglimot.
LikeLike
Larawan: https://tinyurl.com/mw9mcuf6
Ang pinili ko pong larawan ay galing nagpapakita po ng isang protesta ng mga estudyante sa mga aksyon ng administrasyong Marcos, na may relasyon sa US imperyalismo. Pinapakita ng larawan ang kanilang kalayaan sa pamamayahag at kalayaan sa pagtitipon; at ang pagdodokumento nitong protesta ay nagpapakita ng kalayaan ng pahayagan.
Sa aking palagay, nanumbalik sa kapangyarihan ang mga Marcos dahil sa kanilang struktura ng pagpapalaganap ng propaganda sa in-person na paraan, tradisyunal na media, at sa social media upang ipalaganap ang mga maling ideya na naging “Golden Era” ang panahon ng Martial Law at sinimulan ding ituro ang maling bersyon ng kasaysayan ng mga guro at mananaysay sa paaaralan. Ito’y malaking dahilan kung ba’t nanalo si BBM sa nagdaang eleksyon. Bilang mag-aaral ng mamamahayag, tungkulin kong i-”fact check” ang maling impormasyon tungkol dito at ipaglaban ang karapatan sa malayang pagpapahayag sa pagsasali sa mga diskusyon at “rally “tungkol dito.
LikeLike
Larawan: https://sinoangpilipino.weebly.com/uploads/1/7/7/8/17784145/5955092.jpg
Makikita sa larawang ito ang pagtitipon ng taong bayan upang ipakita ang kanilang pagtuligsa sa ipinaiiral na BATAS MILITAR ng dating president na si Ferdinand Marcos. Tahasang ipinapakita ng taong bayan ang kanilang saloobin sa hindi makatarungang pagsasantabi o pagwawalang bahala sa hustisya at karapatang pantao. Kolektibong nagsama-sama ang taong bayan sa lansangan upang maipahayag ang kanilang saloobin at isigaw a ng kanilang samu’t saring mga hinaing.
Sa aking palagay, sa panahon ngayon, isa sa mga maaring dahilan kung bakit naluklok muli sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos ay sa kadahilanang hindi na masyadong napaguusapan ang importansya ng EDSA People Power Revolution. Hindi na buhay sa puso’t isipan ng taong bayan kung bakit hindi nararapat makabalik ang pamilyang Marcos sa palasyo. Marahil marami na ang nakalimot sa mga masasamang nagawa ng nasabing pamilya sa bansa. Mayroon ding mga mamamayan na nagsasabi na Golden era ang panahon ng pamumuno ni Marcos kaya naman maraming tao ang nagnanais na maranasan ito. Karagdagan pa rito ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang mabago ang kaisipan ng taong bayan. Bilang isang magaaral ng mamahayag, tungkulin ko ang tumindig para sa kalayaan ng pamamahayag, maghatid ng makatotohanang balita at hindi pawang gawa-gawa lamang, at walang pinapanigan.
LikeLike
Tungkol sa Pelikula
https://fb.watch/iOyxm_zue3/
Ang “Portraits of Mosquito Press” ay isang dokumentaryong pelikula ni JI Burgos. Ito ay nagkwento ng pinagdaanan ni Jose Burgos Jr., isang mamamahayag, na kinulong sa loob ng rehimeng Marcos. Si Jose Burgos ang namuno sa WE Forum, isang maliit na pahayang tumulong sa pagsiwalat ng mga katiwalian noong panahon ni Marcos.
Bakit Naluklok ang mga Marcos?
Ang pagbalik ng mga Marcos sa kapangyarihan ay natatangi dahil sa kanilang dahan-dahang hakbang upang makuha muli ang loob ng mga Pilipino. Mula sa kanilang pagbalik sa bansa mula Hawaii, ito ay naging paraan upang makabalik sa lokal na gobyerno.
Ngayong 2022, dumami ang historically-revised propaganda ng mga Marcos, lalo na sa online platform na pinakamadaling ma-access ng mga Pilipino, Dahil dito, napabilis ang paglilinis ng kanilang pangalan at pagkaluklok muli sa Malacañang.
Dahil sa dami ng kanilang sala sa mga mamamahayag at masang Pilipino, dapat lamang na paigtingin ang pagaaral sa Kalayaan ng Pamamahayag. Paraan ito upang maidiin ang pagsasapraktika ng proteksyon at pagpapalawak ng kalamaan sa kahalagahan ng mga pahayagan; kasama rito ang pagdidiin na ang mga pahayagan ay isa sa pundasyon ng demokrasya.
LikeLike
Video: https://www.youtube.com/watch?v=ZQmL–_eZOU
Inilahad ng video ang pagtatag ng WE Forum, isang kritikal na publikasyon na naging parte ng “mosquito press” noong Batas Militar. Ibinunyag ng publikasyon ang kasinungalingan at katiwalian ng diktadurang Marcos sa kabila ng matinding panunupil ng administrasyon sa kalayaan ng mga mamamahayag. Kabilang dito ang kanilang pag-ulat tungkol sa pekeng medalya ni Marcos Sr.
Ang masang Pilipino ay nilinlang ng pamilyang Marcos sa pamamagitan ng historical distortion dulot ng lumalaganap na propaganda at fake news sa social media. Bukod dito, kapansin-pansin ang kultura ng impunidad, paninira, at panunupil sa mga peryodista tulad nila Maria Ressa, Percy Lapid, at ABS-CBN na nagbigay-daan sa pagkontrol ng mga Marcos sa daloy ng impormasyon ukol sa kanilang mga krimen. Bilang isang mag-aaral ng mamamahayag, tungkulin kong tutulan ang mga atakeng ito. Una, kailangang suriin ang posibleng paraan sa paglaban ng disinformation lalo na sa mga digital na plataporma. Pangalawa ay ang kolektibong pag-organisa at pagkilos para sa kalayaan ng mamahayag. Maaaring makilahok sa aktibidad ng mga unyon tulad ng NUJP na sumisiyasat sa kalagayan ng mga Pilipinong mamamahayag.
LikeLike
Larawan: https://martiallawmuseum.ph/magaral/breaking-the-news-silencing-the-media-under-martial-law/
Makikita rito na ang mga sundalong ito ay nagbabasa ng pahayagang gawa ng “Malaya” (Ang Pahayagang Malaya), na nagpapaalam sa mambabasa na sa wakas ay nagaganap na ang rebolusyong bayan. Ipinapaalam ng pahayagang ito sa publiko ang katotohanan ng nangyayari, dahil ang “Ang Pahayagang Malaya” ay hindi sa anumang paraan bahagi ng “Crony Press” ni Marcos.
Ang disinformation ng publiko ay isa sa mga dahilan kung bakit nagawang maging pangulo muli ng ating bansa si Marcos. Habang tumataas ang mga kaso ng disinformation sa ating bansa, natatabunan nila ang mga nagsasalaysay ng totoong kwento ng paniniil ng kanyang ama noong panahon ng martial law. At ang tungkulin natin ngayon, bilang mga mag-aaral sa ilalim ng komunikasyong masa, ay humanap ng mga epektibong paraan sa paglaban sa disinformation, upang walang ibang henerasyon ng mga Pilipino ang mahuhulog sa ilalim ng kaparehong panlilinlang ng ating kasalukuyang henerasyon. Maaari nating simulan ang paglaban dito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bago at mas mahusay na paraan ng paghahatid ng katotohanan sa publiko, kailangan nating humanap ng paraan para makarating sa kanila, at kailangan nating maghanap ng paraan para makuha ang kanilang atensyon.
LikeLike
Larawan: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=618500320067574&set=pb.100057228348489.-2207520000.&type=3
Makikita sa larawan ang pagtitipon ng isang grupo na ang mga dalang bandila’t karatula ay malinaw na kumukondena sa pandarayang ginawa ni Marcos, mala-terorismong pagkilos ng gobyerno, at mga midyang kontrolado ng rehimen. Ayon sa UP Law Center, ito ay ginanap sa tapat ng gusali ng parlyamento kung saan sinalungat din ng grupo ang malawakang pagtanggal sa mga manggagawa ng midya sa ilalim ng Batas Militar.
Naging makapangyarihang instrumento ng pamilyang Marcos ang ilang taong pagpapakalat ng mga binaling katotohanan at sensasyonalisadong impormasyon na siyang nilinlang ang milyong-milyong Pilipino upang mapalayo sa katotohanang dala ng Batas Militar. Hindi ito nangyari ng isang gabi lamang. Ito ay masusi at pangmatagalang proseso ng paghahayag ng walang basehang naratibo upang matagumpay na pabanguhin ang pangalan ng mga Marcos. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbabalik ng pamilyang diktador sa palasyo. Bilang iskolar ng midya na inaasahan ng bansa na maging kasangkapan sa pamamahayag ng angkop at totoong impormasyon, aking gagamitin ang kakayahan ko sa pagsulat at kaalaman sa pamamahayag upang labanan ang maling impormasyon, at sisimulan ko ito sa aktibong partisipasyon sa social media kung saan laganap ang “fake news.”
LikeLike
Larawan: https://panahonngpilipino.weebly.com/1983-1986.html
Tirik and haring araw at hindi alintana ang usok sa gitna ng kalsada ng mga taong nagtipon sa larawan ng taong 1986 na ipinapakita ang pagkakasundo, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa laban sa rehimeng Marcos, at nagpakita ng malinaw na pagkilos ng mga mamamayan para sa kanilang mga karapatan at kalayaan noong araw ng People Power Revolution.
Para sa masa na ang tanging tangis ay rebolusyon at demokratikong lipunan, paghiyaw sa lansangan ang natatanging paraan upang ipanawagan at makamit ang isang reporma at maayos at tapat na pamamahala. Ngunit sa pag-usbong ng mga propaganda’t banta ng mali at baluktot na mga balita ng panunungkulan ng administrasyong Marcos, tila ba’y nakalimutan ng karamihan ang saysay ng kasaysayan at mga ipinaglalaban. Saksi ang buong mundo kung papaano pinapatay ng pasismong rehimen ang demokrasya. Ang ibinibida nilang “kalayaan sa pagpapahayag” ay isang huwad at kabulaanan. Mula sa pagpapasara ng ABS-CBN, paghuli kay Rappler CEO Maria Ressa, at sa pagsasabatas ng Anti-Terror Law. At bilang alagad at iskolar ng midya at bayan, ang bawat panahon ay pagkakataong maging mulat at magsalita sa kung anong tama para sa kabutihang panlahat.
LikeLike
Larawan: https://epa.culturalcenter.gov.ph/3/82/2314/
Sa larawang ito, kabilang ang mga madre sa humigit dalawang milyong Pilipinong nagtipon-tipon sa Rebolusyong EDSA noong 1986 upang tutulan ang pandaraya at pang-aabuso ng administrasyong Marcos. Mahalaga ang ambag ng simbahang Katoliko sa pagpapatalsik ng diktadurya. Bilang payapang protesta, lumuhod at nagdasal ang mga relihiyoso sa harap ng mga militar sa EDSA. Binigyang kanlungan din ng maraming kongregasyong relihiyoso ang oposisyon mula sa politikal na persekusyon.
Kung dati ay ginamit ang mga doktrinang Katoliko upang kundenahin ang mga pangungurakot at paglabag sa karapatang pantao noong Batas Militar, ngayon ay pinapaikot ng pamilyang Marcos ang mga konsepto at istrakturang relihiyoso upang palabasin na sila ang karapat-dapat na iluklok sa pwesto. Ang kampon ng mga Marcos ay gumagamit ng mga talata sa bibliya upang pangatwiran ang iba’t-ibang pekeng impormasyon at argumentong pabor sa kanila. Nakinabang din ang mga Marcos sa pag-endorso at suporta ng mga relihiyosong personalidad tulad nina Apollo Quiboloy, at bloc-voting ng mga relihiyosong sector tulad ng Iglesia ni Cristo o INC.
LikeLike