clouds1.jpg    Or my other translation: “Do not debate with an insect  who likes to namedrop you, lest you  be  mistaken for a mosquito.”

         Yes, Pete Lacaba does it again! I was tuned in to “Today with Korina” at ANC (ABS-CBN News Channel)  a couple of weeks ago and there was a segment with film producer and cultural  icon  Ms. Armida Siguon-Reyna, and then, there was this poem, she (Ms. Siguon-Reyna) recited it, I was so overwhelmed I failed to take down notes, so I googled Ms. Siguon-Reyna’s name, and it led me to a personal blog where the poem was quoted, superbianca.blogspot.com (by a host in Studio 23 Bianca Gonzales I presume from her photos in the header).         

           There’s a part of the poem that says “Huwag kang makipagtalo sa bobo. At baka ka mapagkamalang  bobo.” [rough translation: “Do not debate with an idiot. You might be taken for one.” (sorry Pete, I’ve no right or aptitude to translate you). Or:  “Do not argue with a fool. Or else you’re the greater fool.” Or, “Do not interpellate a moron, else you are the moron.” I’m not good at this. Here’s the poem. It’s also better heard from Ms. Siguon-Reyna than from anyone else. Buy her CD.       

      

 

 

 

      

 

        And I will heed the advice of Armida and Pete.

                  tagubilin at habilin

         .(ni Jose Fernando Lacaba, binigkas ni Armida Siguon-Reyna)

        mabuhay ka kaibigan

         yan ang una’t huli kong tagubilin at habilin

        mabuhay ka

        sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo

        mayaman ako sa payo

        maghugas ka ng kamay bago kumain

        maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain

 

 

 

         pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang makaiwas sa sisi

        huwag ka maghuhugas ng kamay

        kung may inaapi na kaya mong tulungan

        paupuin mo sa bus ang mga matatanda at ang mga may kalong na sanggol

         magpasalamat ka  sa nagmamagandang loob

         matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma

         huwag piliting matulog kung ayaw dalawin ng antok

         huwag pag-aksayahan ng panahon

          ang mga walang utang na loob

         huwag makipagtalo sa bobo,

          at baka ka magpagkamalang bobo

          huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangan mong sumigaw

         huwag kang manalig sa mga bulung-bulungan

         huwag papatay-patay sa ilalim ng pabitin

        huwag kang tutulog-tulog sa pansitan

         umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo

          umawit ka sa piling ng barkada

         umawit ka kung nalulungkot

         umawit ka kung masaya ingat lang,

         at huwag kang aawit ng ‘my way’ sa videoke bar, baka ka mabaril

         huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan

         dahan-dahan sa matatarik na landas

        dahan-dahan sa malulubak na lugar,

        higit sa lahat, inuulit ko

        mabuhay ka

         maraming bagay sa mundo na nakakadismaya

         mabuhay ka

         maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas

         mabuhay ka

         sa hirap ng panahon,

         sa harap ng kabiguan,

          kung minsan ay gusto mo nang mamatay gusto mong maglaslas ng pulso

          kung sawi sa pag-ibig gusto mong magbigti

          kung napakabigat ng pasanin gusto mong pasabugin ang bungo mo

         kung maraming gumugulo sa utak huwag kang papatalo huwag kang susuko

         narinig mo ang sinabi ng awitin ‘gising at magbangon sa pagkagupiling, sa pagkakatulog na lubhang mahimbing’

          ‘gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig’

          ‘bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad’

        ang sabi ng iba ang matapang ay walang takot lumaban

         ang sabi ko naman, ‘ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot’

         lumaban ka kung iginungudngod ang nguso mo sa putik

         bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka

         buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo kahit hindi ka siguradong agad-agad kang mananalo

         mabuhay ka kaibigan mabuhay ka.


Discover more from marichulambino.com

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

3 thoughts on ““Do not debate with a moron, else you are the moron” – rough translation of a line from Pete Lacaba’s newest poem as recited by Armida Siguon-Reyna

  1. OK din naman ang mga salin mo. OK rin na napansin mo ang nag-iibang kahulugan ng “Mabuhay ka!” in the course of the poem. Check out my own blog for a slightly revised version of the poem (iba nang kaunti sa nasa CD ni Armida), with the proper capitalization and line breaks.

    Regards

    Like

  2. Wow. Hi Pete! I sort of “sensationalized” the small note from you by putting it on my front page, ha-ha. Thanks thanks thanks. I won’t translate it anymore, bahala na ang mga hindi Filipino kung hindi nila maintindihan…. Ok, i changed my mind, i will translate it. Pete said “Ok din naman ang mga salin mo…” “ang mga salin mo” means “your translation”. On the other hand, “Ok” is the Filipino word for…”brilliant!”. Hahaha, I just editorialized it a little. Then he added that it was Ok (“Ok” is also the Filipino word for…. “amazing! Unbelievably awesome!”. Ok, i editorialized again) that i noticed the different meanings or senses of “Mabuhay ka!” (“Long live!”) in the course of the poem. See the rest of it.
    Thanks, Pete! -marichu

    Like

If the comment posted does not appear here, that's because COMMENTS WITH SEVERAL HYPERLINKS ARE DETAINED BY AKISMET AT THE SPAM FOLDER.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.