John Labuguen pans manner of coverage of children in “possessed” stories

Written by John Angelo C. Labuguen
philstar.com/balita-ngayon/2013/06/28/sinapiang-mga-estudyante-sa-mandaluyong-peke-school-official
mb.com.ph/News/Main_News/32_students_%E2%80%98possessed%E2%80%99_in_Mandaluyong
news.inquirer.net/mandaluyong-students-possessed-by-spirits
“Itong mga links na ito mula sa Philippine Star, Manila Bulletin at Inquirer ay naglimbag ng balita tungkol di umano sa mga estudyanteng sinapian sa isang pampublikong paaralan sa Mandaluyong noong nakaraang linggo. Sabi sa mga ulat na nagkunwari lamang ang mga estudyante na sila ay sinasapian at nagkaroon ng mass hysteria. Sa tatlong pahayagan na ito ay wala ni isa man sa kanila ang naglimbag ng tunay na pangalan ng mga estudyanteng di umano’y sinapian ng espiritu. Subalit ang Inquirer ay naglimbag ng larawan ng isa sa mga estudyante di umano ay sinapian ng espiritu (http://newsinfo.inquirer.net/434267/mandaluyong-students-possessed-by-spirits). Maling-mali ito sapagkat ang estudyante ay menor de edad pa lamang at hindi man lang tinakpan ang mukha ng bata.
 
“Ang tatlong pahayagan ay naglabas din ng iba’t ibang bilang ng mga di umanong sinapian. Ayon sa Manila Bulletin ay 32 students; ayon naman sa Philippine Star ay 22 samantalang sa Inquirer naman ay 20. Hindi nagtugma-tugma ang mga bilang ng tatlong pahayagan at maaring matanong dito ang credibilidad ng pinagkuhanan nila ng mga datos.  Mapapansin din sa mga artikulo ay iba’t ibang tao ang kanilang pinagkuhanan ng mga statements upang mailahad talaga kung ano ang tunay na nangyari sa eskuwelahan. Tulad na lang ng testamento ng kapitana noong sinabihan niya ang bata na nalaglag ang pera niya ay pinulot naman ito ng batang di umano ay sinasapian. Sa ganitong paraan ay mabibigyan tayo ng ideya kung sinapian ba talaga ang mga bata o mass hysteria lamang talaga ang nangyari. Ganito dapat sa pagsusulat ng balita, marami ang dapat pinagkukuhanan ng impormasyon nang sa gayon ay mas epektibong mailahad ang mga tunay na nangyari.   Ginamit ng Manila Bulletin ang Wiki.answers.com sa pagpapaliwanag kung ano ang spirit of the glass dahil di umano’y naglalaro ang mga bata nito bago sila sapian. xxx Ang Wiki.answers.com ay hindi credible na source dahil kahit sino ay pwedeng mag-edit at maglagay ng kung anu-ano itto. Kaya’t hindi dapat ginagamit ito sa pagbibigay paliwanag sa mga bagay. Himbis ay humanap ng credible o mapagkakatiwalaang source kung may isyu o usapin na nais bigyan ng paliwanag.” Posted by  John Angelo C. Labuguen